Sunday, October 01, 2006

Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran sa Lupain ng Kangaroo at Bikini

Ikalawang Liham
ni Totep Perez

Mga kapatid,

At exactly 8:40pm (Manila Time) September 7 (Thursday), i'm bound for Bond University in Gold Coast Australia to commence my Master of Communication studies.

As expected, I experienced so many unfortunate events prior to my flight. (Pati nga pagkamatay ng Crocodile Hunter, sinisisi sa akin).

Umpisa muna tayo sa good news. Finally, may susundo sa akin sa airport courtesy of Bond. Muntik na akong di makakuha ng airport transfer request receipt kasi kelangang bayaran ko thru credit card. E, marginalized nga ako eh, meron akong credit pero walang card. Buti na lang naalala ko, my credit card si misis, ayun solve ang problema. (Kainis, ngayon ko lang naalala na may credit card pala si misis, e di sana di ako nagkaproblema sa housing accommodation. ...)

O di ba, segue na sa jinx experiences. ... Ito ang matindi, wala pa akong housing accommodation! Panong nangyari yun? Nasarhan ako ng on - campus accommodation kasi late na nga ako nag - enroll. Kaya sa off - campus ako humirit. Sabi ng manager ng Accommodation People, ang accommodation agency ng Bond, kelangan daw magdeposit muna ako para ma - secure ang accommodation ko. Dun nagsimula ang paghihirap. Wala akong perang pangdeposit kasi a day before ng flight pa makukuha ko ang settling allowance at first monthly allowance kung saan dun kukunin ang deposit. Marami sana ang nag - offer sa kin, biglang umurong. May magkapatid na students din ng Bond ang unang naglakas loob na nag - offer sa akin ng accommodation. Nagtanong sila kung ilang months ko gustong tumira sa kanila. Tiningnan ko ang cost ng deposit, good for 1 month, so sagot ko... i intend to stay with you for at least a month but I assure you that for sure I will extend....

Di naman ako sinabihan ng manager ng Accommodation People na may rule or law na minimum of 3 months ang lease contract sa kanila. So ayun, tinaggihan ako ng magkapatid!

Sunod na naglakas loob ay isang pulis. Tinaggap ko kaagad kahit na takot ako sa mga may baril kesa sa tumira ako sa bulsa ng kangaroo. Kaso, biglang dumating ang dalawa niyang anak na titira sa kanya hanggang Christmas. Di pa man nakatuntong sa Bahay ni Kuya Pulis, evicted agad ako.

Nag - offer uli sa akin ang manager ng room sa Varsity Towers (sosyal ito na student residence, parang hotel), may mga reserve yata sila para sa mga medyo malas na parehas ko... Ang housing deposit?... umaatikabong $ 1,020.00 (i guess Australian Dollars, P39 ang conversion)! !! Mga kapatid, US$1,450.00 lang dala ko, paano ako kakain nito?! Hingi ako ng advise ni Mam Bambot, parehas kami ng iniisip, super sosyal ang housing ko pero gutom ang aabutin ng bulate ko... Walang choice, di ko kayang tanggapin ang offer, marginalized lang po ako...

Kaya mga kapatid, boung tapang akong susugod sa "Down Under" na walang masisilungan man lang.... I was instructed to proceed as scheduled, like a good soldier, I obeyed without questions... .

Hindi pa po ito ang kumpletong horror story, trailer po pa lang ito. Pag may time, isusulat ko ang matitinding karanasan simula ng nang mag - apply ako sa Bond. Naalala ninyo yung kwento sa BIR ng isang free lance writer na naforward ko nga sa iba sa inyo? Panis, sisiw yun!

Munting kahilingan mga kapatid.... ipagdasal po ninyo ako. Ipagdasal din po ninyo ang Australia na sana'y hindi maapektuhan ng "special powers" ko... Pero magsaya na po kayo na maiiwan ko dahil.....UUNLAD NA ANG PILIPINAS, LUMAYAS NA ANG JINX!......

....Dasal ko din, sana swertihin na ako sa Australia... .OOOOPPPPSSSS, WALANG KOKONTRA! ANG KUMONTRA, IPAPAMANA KO ANG SPECIAL POWERS KO !!!

Vavuskah!

Toteperez
Hari Ng Sablay