Monday, October 02, 2006

Mga Simpleng Bagay na Natutunan Ko sa Seminaryo


ni Emiliano Dumalaog

Ang "putok" pala ay isang uri ng tinapay..

Ang G.G. ay isang laro o isang uri ng isda.

Sa halagang limang piso makakabili ka pala ng hamburger mula sa Burger Machine, softdrinks, kopya ng Sports Flash o ng Sports Weekly Magazine (hanggang limang piso lang kasi ang pinapayagan ni Fr. Lopez na nasa amin noon pero magtataka ka kapag lumalabas kami para sa CAT kung ano-ano ang nabibili namin).

Ang study time ay karugtong ng "siesta."

Ang housecleaning ay "taguan-pung."

(1984 photo of SVS Batch '88 uploaded to ACM-YahooGroup by Jonas Papasin)