Wednesday, October 04, 2006

Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran sa Lupain ng Kangaroo at Bikini

Ikatlong Liham
ni Totep Perez

mga kapatid !

Halleluyah !

Matiwasay akong akong dumating kanina sa Bond University (12nn Sept. 8, 2006). Kasabay kong dumating ang "Good Samaritan" sa katauhan ng isang Chinese, Wang Lin, with american nickname Ricky. Sabay kaming dumating ng Gold Coast Airport at nagkatabi sa upuan ng coaster. Meron siyang accommodation on - campus, hirap siya mag communicate sa English, tinulungan ko sa pakikipag - usap sa mga Aussie, tinulungan ko din pati pagbitbit ng bagahe niya (Balak yatang dalhin ang bahay nila, super dami ang gamit, wow! matindi mga tatak, designer! mayaman talaga kasi siya mismo ang magpapaaral sa sarili niya.) Ayun, nung nalaman na wala akong accommodation. Offer niya room niya for the meantime. Habang nasa security office kami para i-activate swipe card ng room niya, may isang Indian na nagtanong sakin kung Pinoy ako, yun pala, resident ang family niya sa Pinas. Nakasabay uli namin siya sa elevator, pinakilala niya sa amin ang isang staff sa Dormitory na Pinoy din pangalan Noel (ganda ng meaning ng name niya). Sabi ni Noel kakausapin daw niya ang kakilala niyang Pinay na malapit sa Bond na naghahanap din ng student boarders. Sana may resulta lakad niya at makalipat sana ako bukas para di naman ma - sanction si Wang Lin sa pagkupkop sa akin.

8PM dito ngayon, 6PM sa Pinas. Malamig hangin parang Baguio. Kanina pa kami naghahanap ni Wang Lin ng internet cafe meron pala dito sa basement ng library tawag batcave, free 24 hrs. Dito na lang muna update, wala pa ako gaano sa mood mag kwento kasi halos wala pa akong tulog simula ng umalis ako sa pinas.

By the way, enrolled na ako kanina lang, may student ID na. Sana magkasya ang allowance ko, mahal dito halos lahat ng bagay. Sa Monday simula ng classes ko, 4 subjects.. Naninibago ako sa pagkain, panay sandwiches lang uso dito sa mga students. KAANNNIIINNNN PPLLEEAAASSSEEE !Hayy, "Food Sickness" lang to sana di ako tamaan ng home sickness...

Sige po, inaantok na ko...til next update....

toteperez
My University is Bond