Wednesday, October 04, 2006

Isang Tula

Manila Bay Sunrise
ni Emiliano Dumalaog

Sa muling pagsikat ng araw,
may mga buhay na sa mundong ito ay isisilang.
Kasama rin sa pamamaalam ng buwan at mga bituin,
may mga lilisan rin.
Bahagi na ng pag-ikot ng mundo,
ang hiwaga ng paggawa at pag-sira.
Lahat ay naaayon sa plano ng Maylikha,
sa panahong Kanyang itinakda.