Wednesday, October 11, 2006

Ang Puno

Ang Puno

ni Emiliano Dumalaog

Nasaan na nga ba ang mga puno ng aking kabataan? Ang matatamis na bunga ng mangga at ang duyang pahingahan na nakasabit sa kanyang mga sanga. Ang puno ng duhat na nakagawiang akyatin ng mga bata upang sa kanyang mga dahon ay makahuli ng mga gagamba. Ang mga naglalakihang mga puno ng molave, narra at yakal na tila bantayog ng mga taong nagdaan. Unti-unti na silang nagkawala... naging biktima ng walang tigil na pagputol sa ngalan ng pag-unlad. Ang balimbing, sa kasamaang palad sa pulitiko inihambing, ay bihira na lamang makitang bahagi ng mga hardin. Ang ipil-ipil, kung sa pakinabang ay walang kasing-galing, tinaga at ginawang uling.

Tuluyan nang nawala ang lahat ng puno ng aking kabataan, ngunit mananatili silang nakatanim sa aking ala-ala ng isang masayang nakaraan.